Categories
Posts Uncategorized

Branded na tinapay di kailangan ng SRP: DTI

Pagpataw ng SRP sa semento, pag-aaralan din ng DTI

Iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi na kailangang patawan ng suggested retail price (SRP) ang branded na tinapay kasunod ng panawagan ng isang consumer group.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, may ibang mas murang tinapay naman daw na puwedeng bilhin ang mga konsumer.

“They provided the consumers already with the low priced bread,” ani Castelo.

Nauna nang nanawagan ang grupong Laban Konsyumer sa DTI na patawan ng SRP ang branded na tinapay.

Naglalaro sa P59 hanggang P64 ang presyo ng 600 gramo ng branded classic loaf bread.

Nakapako naman sa P35 ang 450 gramo ng Pinoy tasty habang P21.50 naman ang kada 10 piraso ng Pinoy pandesal.

Ayon naman sa Philippine Federation of Bakers’ Association Inc., hindi na kailangan ng SRP dahil hindi rin sila puwedeng magtaas nang malaking halaga dahil lilipat ang mga konsumer sa mas murang brand.

SRP SA SEMENTO

Samantala, sinabi naman ng DTI na pag-aaralan din nila ang pagpataw ng SRP sa semento.

Ayon din sa Laban Konsyumer, “overpriced” o masyadong malaki ang benta ng ilang retailer sa semento.

Nasa P250 ang benta sa isang bag ng semento samantalang nasa P185 lang ang presyo nito sa mga planta, sabi ng Laban Konsyumer.

Dapat daw nasa P215 lang ang kada bag ng semento. —Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

https://news.abs-cbn.com/business/01/13/19/branded-na-tinapay-di-kailangan-ng-srp-dti