Categories
Posts Uncategorized

Lki written position paper vs ..water rate hike

September 3, 2018
Mr. Patrick Lester N. Ty
Chief Regulator
MWSS Regulatory Office
3rd Floor, Engineering Bldg.
MWSS Complex
Katipunan Road, Balara, 1105
Quezon City
Re: 5th Rebasing Period, 2018-2022, Maynilad and Manila Water
Sir/Madam:
Tinanggap ng Laban Konsyumer Inc. and imbitasyon na may petsa 17 August 2018 para sa Public Consultation sa September 5 at 7, 2018.
Eto po ang mga kwestyon ng Laban Konsyumer Inc. sa MWSS Regulatory Office.
1. Magkano po ang binaba sa Php 183.531 billlion na Capital Expenditures ng Manila Water at Maynilad, i. e. Php 89.661 billion sa Manila Water at Php 93.87 billion sa Maynilad, ayon sa pagsusuri ng MWSS Regulatory Office sa tulong ng mga tagapayo nito?
2. Ano naman ang paagsusuri at tagubillin ang ginawa at ibinigay ng Commission on Audit sa MWSS Regulatory Office?
3. Meron bang competitive bidding guidelines ang MWSS sa pagpapatupad ng Capex ng Manilla Water at Maynilad para transparent ang award ng mga kontrata?
4. Ayon sa balita noong nakaraan habagat , ang tubig sa Ipo Dam ay mistulang 3-1 kape sa kulay at hubad ang ilang parte ng watershed . Ito po ay pananagutan ng mga water concessionaires at ang gastos dito ay hindi dapat ipasa sa mga konsyumers. Ano ano po ang mga palatuntunan ng Manila Water at Maynilad sa 5th Rebasing Period? Wala ako Makita sa Watershed expenditure.
5. Dapat po malinaw na hiwalay o di kasama sa kwentahan ang mga kasong kinakaharap ng MWSS, Manila Water at Maynila tulad ng corporate income tax. Ang sabi ng Maynilad ay dapat Php 6.50 per cu m ang increase at hindi Php 9.69 per cu m kung tinupad ng MWSS yun Final Award . Ang sabi naman ng Manila Water ay Php 8.30 per cu m. pero kasali ang Corporate income tax . Kung talo ang MWSS, ang mga gastos na pambayad sa Manila Water at Maynilad ay kunin sa nakolekta na Concession fees ng MWSS noong mga nakaraan na rate rebasing period at hindi sa mga konsyumer. Kung manalo ang MWSS, ngayon pa lang sa 5th Rebasing Period ay itakda ang halaga ng refund o sobrang bayad ng mga konsyumers sa mga nakaraan rate rebasing period. Huwag ng isali ang mga konsyumers sa gusot ng Corporate income tax.
6. Urong sulong kung sino ang gagawa ng Kaliwa dam project na may halaga na Php28.50 billion . Idagdag na lang eto sa Build Build Build project at tustusan ng koleksyon galing sa masigalot na batas sa tax reform or TRAIN 1. Halos Php 14.5 billion ang mababawas sa Concession fee ng MWSS at bawas din ito sa water rate.
7. Yun pong Applicable Discount rate ay masyadong malaki. Mahigit 7 % para sa Manila Water at Maynilad. Subalit ang discount rate ng Bangko Sentral ay pumapalo sa maximum na 3.5 % to 4 % lamang. Halos kalahati ang mababawas sa water rate dito lamang sa usapin ng Discount rate.
8. Ano po ang impact sa kita ng Manila water at Maynilad sa pagbaba ng corporate income tax simula next year ayon sa Tax Package 2. Marapat lang na ipasa sa konsyumer ang matitipid na income tax sa water rate?
9. Ano po ang timetable sa pagtanggal sa water rate yun mga non revenue losses. Pang lima ng rate rebasing itong naka binbin sa MWSS regulatory subalit nasa 27% pa and binanayaran ng mga konsyumers ng Maynilad hanggang 2022. Dapat sa 2022 zero na ito?
10. Ano ang palatuntunan ng Manila Water at Maynilad sa meter reading na sana ay digital na ng sa ganun ay wala o maliit na lamang ang human error. Ang residential customers ay halos 92 % ng Maynilad at Manila water?
11. Dapat gamitin ng MWSS ang inflation rate na 3% at Peso to US Dollar na Php 50.2670 ayon sa Business Plan at hindi ang kasalukuyan na 5.7 % inflation at Php 53.00 na exchange rate .
Maari ipadala ang mga kasagutan sa koreo sa P. O. Box 1161, Quezon City Central Post Office , NCR, Philippines 1100 at sa email na dimagibavic@gmail.com at dmagiba@pldtdsl.net.
Maraming salamat po.
Very truly yours,
Atty. Victorio Mario A. Dimagiba, AB, LLB, LLM
President