Categories
Posts Uncategorized

SRP for commercial rice

http://news.abs-cbn.com/business/04/04/18/commercial-rice-nais-patawan-ng-suggested-retail-priceToggle navigation
ABS-CBN
NEWS
Home > Business
TV Patrol
Commercial rice, nais patawan ng suggested retail price
ABS-CBN News
Posted at Apr 04 2018 11:50 PM
Save
Facebook
Twitter
GPlus
LinkedIn
NFA pinaiimbestigahan sa isyu ng kulang na bigas
Watch more in iWantv or TFC.tv
Iminungkahi ng isang grupo na patawan ng suggested retail price (SRP) ang commercial rice dahil sa pagsipa umano ng presyo nito kasabay ng naghihingalong supply ng murang NFA rice sa merkado.
Suplay ng NFA rice sa NCR, 4 pang rehiyon, ubos na: GRECON
Ayon sa Laban Konsyumer, kapag nilagyan ng SRP ang commercial rice, mananagot na sa pamahalaan ang mga rice trader at retailer na bigla-biglang nagtataas ng presyo ng bigas.
?There will be competition na ang presyo ay bababa pa sa SRP,? ani Atty. Vic Dimagiba ng Laban Konsyumer.
Sa Mega-Q Mart sa Quezon City, wala nang ibinebentang NFA rice at nagsitaasan pa ang presyo ng commercial rice.
Nasa P40 kada kilo ang ibinebenta roong regular-milled na bigas, habang P42 pataas kada kilo ang well-milled rice.
Ayon sa mga nagtitinda, maraming naghahanap ng NFA rice pero wala rin naman daw magawa ang mga konsumer kundi bumili ng mas mahal na commercial rice.
Sadyang bahagi na kasi ng pagkaing Pinoy ang kanin.
Base pa nga sa datos ng Philippine Statistics Authority, nasa 2.1 kilong bigas kada linggo ang nakokonsumo ng kada Pilipino.
Kung susumahin ay katumbas ?yan ng mahigit 109 kilong bigas kada taon.
Imbestigasyon sa NFA
Gusto naman ng gobyerno na ipa-audit o imbestigahan ang National Food Authority (NFA) dahil sa umano?y paglalabas nito ng mahigit isang milyong sako ng NFA rice sa kasagsagan ng tag-ani noong Oktubre 2017.
BALIKAN: ?Supply ng bigas ng NFA, kulang na?
Tinatanong ng NFA council sa NFA management kung saan napunta ang mga naturang sako ng bigas.
Ayon kay Cabinet Secretary Leoncio ?Jun? Evasco, chairman din ng NFA council, nagpa-panic ang publiko dahil sa pahayag ng NFA management na wala nang suplay ng bigas.
Aniya, sinasamantala ito ng traders para gumawa ng artificial rice shortage o pagmukhaing nagkakaubusan na ng bigas.
?NFA should stop issuing statements which will? muddle the issue on rice,? ani Evasco.
Siniguro rin ni Evasco na sapat ang suplay ng bigas sa bansa.
Handa naman ang NFA na magpa-audit at ipakita ang mga resibo at dokumento ng lahat ng kanilang mga transaksiyon noong 2017 para patunayang wala silang itinatago.
?Tagabalanse kami ng presyo doon sa sakahan. Abot-kayang presyo, P27, P32 na bigas ng NFA, huwag naman nating ipagkait ?yong bigas na ?yon,? ani NFA spokesperson Rex Estoperez.
Nauna nang sinabi ng Grain Retailers? Confederation of the Philippines na hindi umano nagkakasundo ang NFA management at ang NFA council kaya hindi nabantayan ang pagbaba ng buffer stock ng bigas ng NFA.
Mandato, pinuno ng NFA, pinababago sa gitna ng isyu sa rice supply
Buffer stock ang tawag sa nakaimbak na mga sako ng bigas ng NFA para matiyak na di kukulangin ang supply ng bigas sa bansa.
Bukod sa supply, tinitiyak din ng buffer stock na di basta-basta sisipa ang presyo ng bigas dahil sa kakulangan nito.
Mandato ng NFA na magkaroon ng buffer stock na puwedeng tumagal ng 15 araw, habang dapat pang-30 araw naman ang buffer stock kung lean season o panahong wala masyadong naaning palay.
Naghahanda naman ang NFA para sa pagdating ng inangkat na 250,000 metriko toneladang bigas sa Mayo o Hunyo.
Ayon sa MalacaƱang, pupulungin din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang rice trader.
ALTERNATIBO SA NFA RICE
Watch more in iWantv or TFC.tv
Wala nang mabiling NFA rice ang ilang taga-Cebu kaya naman kamote na ang nagiging mabentang alternatibo sa murang bigas.
Sa iba pang probinsiya, napapakagat na rin sa mas mahal na commercial rice ang mga mamimili dahil ubos na ang tinatangkilik nilang NFA rice.
Ipinagtataka naman ng NFA-ARMM ang sako-sakong NFA rice na di pa nabubuksan sa isang tindahan sa Dalican Public Market sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Pumapalo rin sa P38 ? P40 kada kilo ang ibinebentang NFA rice.
Kaya mas pinili na lang ng ilang suki na bumili ng commercial rice dahil hindi na nagkakalayo ang presyo sa NFA rice.
Patitingnan ng NFA-ARMM kung saan nanggaling ang suplay ng NFA rice sa palengke.