Singil sa kuryente maaaring mabawasan sa Agosto

2019-08-02 23:04:56

Namumurong bumaba ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) sa paparating na August bill, ayon sa tagapagsalita ng power distribution company. 

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, posibleng magkaroon ng bawas sa singil ng kuryente dahil sa pagmura ng presyo ng kuryente sa spot market, paghina ng demand, at maayos na reserbang kuryente. 

Salik din umano sa bawas-singil ang paglakas ng piso kontra dolyar.

Dolyar ang gastos ng mga planta sa gasolina kaya bawas-gastos din kapag lumalakas ang piso, ayon kay Larry Fernandez, head ng utility economics ng Meralco.

Dahil sa paglakas ng piso kontra dolyar, posible ring bumaba sa susunod na linggo ang presyo ng petrolyo. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

https://news.abs-cbn.com/business/08/01/19/singil-sa-kuryente-maaaring-mabawasan-sa-agosto

Consumer Complaints and Inquiries?

Send us a message through these channels: